REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS



ISANG miyembro ng PNP Maritime Group ang ginahasa umano ng kapwa niya pulis noong ika-12 ng Nobyembre sa Sitio Magarwak, Brgy. Sta Lourdes, lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang ika-2:30 hanggang ika-3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente ng panggagahasa sa biktima na isang PO1.

Pinilit umano ng suspek na may ranggong PO3 na samahan siya sa pagro-roving sa loob ng training center na kung saan ang biktima at ang suspek ay kasalukuyang bantay sa nabanggit na lugar.

Ilang sandali umano ng pag-iikot ng dalawa ay tinulak ng suspek ang biktima sa madilim na bahagi ng female CR at hinalikan sa mga labi. Tinakot pa umano ng suspek si Alias Neneng at dinala sa isang silid sa ikalawang palapag sa old building kung saan nangyari ang panghahalay.

Bandang ika-5:45 ng hapon ng nabanggit ding petsa ay iniulat ng biktima ang insidente sa kanyang Assistant Instructor na kung saan isinumbong din sa kanilang Course Director. Agaran namang naaresto ang suspek ng kapwa niya mga Assistant Instructors bandang 6:15 ng hapon.

Dinala naman ang suspek sa Police Station 2-PPCPO para sa tamang disposisyon.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter