REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL



PATAY sa pamamaril ang isang pulis matapos tambangan ng dalawang kalalakihan noong ika-8 Enero sa bayan ng Rizal, Palawan.

Sa ulat ng Palawan PPO, pabalik na ng istasyon ang biktimang si P03 Rodelph de Saldajeno mula sa pagsasagawa ng motorcycle patrolling. Nang makarating umano siya sa tapat ng Macasaet Business stalls sa Brgy. Punta Baja sa nabanggit na bayan ay bigla umano siyang pinaulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na armado ng kalibre .45 at kalibre 9mm. kaya nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sugatan man ay nagawa pa umano ng biktimang makatakas at makapagmaneho ng kanyang motorsiklo pabalik sa kanilang istasyon.

Agad umanong nadala sa Rizal District Hospital ang biktima at doon ay nalamang nagtamo siya ng pitong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, apat na entrance wounds at tatlong posibleng exit wounds. Iminungkahi namang ilipat siya ng pagamutan sa Puerto Princesa City sa pamamagitan ng medical air evacuation ngunit nang makarating sa nilipatang ospital ay idineklara rin siyang wala ng buhay ng sumuring doktor.

Sa kabilang dako, nakuha sa crime scene ang tatlong pirasong empty fired cartridges ng kalibre .45 at pitong empty fired cartridges ng kalibre .9mm.

Nagpapatuloy naman sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Rizal MPS pang malaman ang motibo ng mga hindi pa rin kilalang mga suspek.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter