REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
REAPPOINTMENT NINA CITY ADMINISTRATOR ATTY. ARNEL PEDROSA AT CITY INFORMATION OFFICER RICHARD LIGAD, INAPRUBAHAN NG KONSEHO



SINA City Administrator ll Arnel Pedrosa at Acting City Information Officer ll Richard Ligad sa kanilang reappointment na pinagtibay ng City Council, Hulyo 15, 2019. (PHOTO//CLEA FAYE CAHAYAG)

INAPRUBAHAN na noong ika-15 ng Hulyo ang re-appointment nina City Administrator at Acting City Legal Officer Arnel Pedrosa bilang City Administrator ll at Acting City Information Officer Richard Ligad bilang City Information Officer ll.

Kinumpirma ito ni Human Resource Management Office (HRMO) Department Head Roberto Herrera matapos umanong makuwalipika ng dalawa ang mga requirements para sa kanilang posisyon.

Ngunit paglilinaw ni Herrera, si Ligad ay ‘in temporary capacity’ lamang bilang CIO ll ng City Government dahil sa kawalan niya ng eligibility na isa sa mga requirements ng Local Government Code.

“Yes! It is one of the requirement [stated in the Local Government Code] but [the] lacks of eligibility [makes] the nature [of appointment] temporary,” ayon pa kay Herrera.

Kinuwestiyon naman ni City Kagawad Peter “Jimbo” Maristela ang promosyon ni Ligad sa kabila ng kawalan niya ng eligibility na kabilang din sa mga requirment ng Local Government Code.

Ang pagiging information officer aniya, base sa batas, bukod sa pagiging residente ng bansa, pagkakaroon ng good moral character, nakapagtapos sa kursong Journalism o Mass Communication ay kinakailangan ding isang first grade civil service eligible ang ilalagay sa puwesto.

“How can we appoint him as information officer when in fact this [eligibility] is one of the qualification required by the Local Government Code? There’s no such thing as temporary in the Local Goverment Code. Can you cite any provision of law allowing temporary appointment?” tanong ng konsehal kay Herrera.

Sagot naman ni Herrera na ang isang temporary appointment ay pinapayagan sa ilalim ng Omnibus Rules of Appointment ng Civil Service Commission (ACSC).

“Omnibus Rules of Appointment, Rule lV, Section lX, Paragraph b-A temporary appointment issue to a person who meets the education, experience and training requirements for the position to which he/she being appointed to, except for appropriate eligibility. As the provision provides we can [appoint in a temporary capacity] and the renewal of temporary appointment shall be limited to five times only,” paliwanag pa niya sa mga miyembro ng Konseho.

Pagtatanong pa ni Maristela kay Ligad, matatandaan umanong noong nakaraang taon ay inaprubahan din ng 15th City Council ang kanyang appointment bilang CIO ngunit bakit umano sa paglipas ng isang taon hindi pa rin siya kumuha ng civil service exam gayung alam naman umano ni Ligad na ito na lamang ang requirements na kulang para siya maging permanente sa posisyon.

Sagot naman ni Ligad na hindi pa umano siya handang mag-take ng CSC exam dahil sa kakulangan ng oras na dapat ilaan sa pagrerebyu.

“I am not yet ready [to take that exam]. I need more [time to] review [because] I don’t want to fail. [And because] I want to get pass, I need to review and if I needed to review, I need a lot of time to focus but unfortunately, I lack of time [to do it as for now],” sagot ni CIO Ligad na matatandaang nakakuha ng kanyang Masters Degree Sa University University of Makati ngayong taon.

Paliwanag naman ni Pedrosa sa katanungan ni Maristela, valid ang reappointment ni Ligad at pinapayagan sa Revise Administrative Code na katumbas na ng Local Government Code.

“The provisions of Local Government Code should be rate together with the provision of the Revised Administrative Code which is also a law which is equal in level with the Local Government Code. So, other than the Civil Service Omnibus Rules which allow a temporary appointment, there is also a provision in the Revise Administrative Code that temporary appointment is allowed when what is lacking is the required eligibility. So that, the position of the office of the City Legal office and I therefore submit that the appointment of Mr. Ligad as CIO ll in a temporary capacity is valid and allowed under the law,” ayon pa kay Pedrosa.

Pawang nagpasalamat naman ang dalawa sa pag-aapruba ng Konseho sa kanilang reappointment.

Maging sa Alkalde ng Lungsod ay nagpaabot din sila ng pasasalamat sa patuloy umanong pagtitiwala sa kanila.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter