REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO



Ang bahagi ng bundok ng bahagi ng bundok ng Magarawak na sumasailaim sa rehabilitasyon kaalinsabay sa road widening ng North National Highway . (PHOTO//SUSANNE C. LACSON)


IPINAHIHINTO ni Konsehal Nesario Awat ang rehabilitasyon na isinasagawa ng City Engineering Office sa Magarwak matapos itong makitaan ng iligalidad.

“Dapat walang pagkilos, walang extraction [na ginagawa roon] dahil wala pang pag-approve ang ating DENR,” may diing pahayag ng abogado.

Patutsada ni Awat kay Environmental Management Specialist II Angel Madrinan na kumatawan kay City ENRO Carlo Gomez, hindi na umano iyon matatawag na rehabilitation bagkus isa nang quarrying dahil lumagpas na umano ang rehabilitasyon sa 20 meters right of way ng naturang road widening sa parteng Magarwak.

Ngunit nilinaw naman ni Madrinan na ang ginagawang rehabilitation program ng City Engineering sa lugar ay hindi pa aprobado ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) at Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO).

“Nakipag-ugnayan sa amin ang City Engineering Office. Meron po silang approved remediation and rehabilitation plan signed ng mga engineers ng CEO at signed ni Mayor [Lucilo Bayron]. Ang pinapayagan po namin doon ay ang activity ng CEO pag naglalabas na po sila ng mga graba na tinambak sa mga kalsada na nire-request ng mga barangay,” pahayag niya.

Ngayong kasalukuyang taon umano ay sinisimulan na rin nila ang pagre-retrieve ng mga kaakibat na dokumento hinggil sa kanilang rehabilitation plan sa norte para mabigyan na sila ng ECC at makapagproseso na ng rehabilitasyon sa lugar.

Hindi rin umano nakaabot sa kaalaman ng CENRO ang rehabilitation program ng City Engineering Office, ayon kay Ronnie Sumiller ng CENRO Environment Mines Unit.

Ang buong area umano ay timberland.

“Ngayon lang po namin nalaman na may rehabilitation program na gagawin [dahil] hindi dumaan sa opisina. It could be illegal dahil walang proper coordination. Touching the timberland area in any form could be illegal,” ani Sumiller.

Bunsod nito, inatasan ni Awat ang opisina ng City ENRO na itigil na ang anumang ginagawa sa lugar hangga’t wala ang pag-aaproba ng DENR.

“Dapat gumawa na kayo ng kautusan na ito ay ihinto na. Sana ngayon, di na namin makikita ang mga truck doon na naghahakot ng mga aggregates dahil maliwanag na iyon ay iligal base sa kasagutan ng ating CENRO,” pahayag ng Konsehal.

GINAWANG GARAHE
“Pangalawa, parang garahe ng mga equipment [ang lugar na ‘yon] kung saan, lahat ng mga equipment ng isang contractor ay nandoon. Sa akin pong pagkakaalam, ito ay timberland kung tama ako. Sino ang naging daan bakit nag-okupa ang Cavdeal at ano ang kanilang naging kasunduan?” pagtatanong ni Awat sa mga inimbitahang bisita sa Question and Hour noong Lunes, ika-12 ng Agosto.

Sagot naman ni George Tubac, liason officer ng Cavdeal, ang lupa na kanilang inookupa upang paglagyan ng mga heavy equipment ay pag-aari ng BCT construction.

“Yong area na po ‘yung nakabakod, sabi ni BCT lupa niya ‘yon. In-offer niya sa amin na doon po kami mag-compound pero di namin alam anong dokumento ang hawak niya kasi ang sabi niya ay pag-aari niya,” sagot ni Tubac.

Susog naman kay G. Sumiller, timberland ang lugar kaya walang karapatan ang isang indibidwal na bakurin ito.

Ang area na ginawa umanong garahe ng Cavdeal ay bahagi ng road right of way ng DPWH ngunit ayon kay DPWH Maintenance Section Chief at tagapagsalita rin ng ahensiya, Engr. Arthur Torillo, wala silang ibinigay na pahintulot na puwestuhan ang lugar.

Hindi naman kumbinsido ang abogadong si Awat na ito ay bahagi pa ng road right of way ng DPWH dahil napakalaki umano ng inookupang espasyo ng Cavdeal.

“Kung ako ang titingin, more than 20 meters po ‘yon from the center line, even more than 40 meters, imposible po,” giit ni Awat.

Paglilinaw naman ni Engr. Torillo, ang proyektong widening sa norte sa parte ng Magarwak ay proyekto ng DPWH Regional Office na may kontrata sa Cavdeal.

Sa kanyang pag-iimbestiga umano, napag-alaman niyang ang L. Policarpio Trading ang nagha-hauling ng mga materyales sa proyekto sa naturang lugar.

“Inimbestigahan po natin, tinanong natin sa site kung bakit hina-hauling nila ang lupa, [sagot nila], meron daw pong nag-hire sa kanila na maging hauler, ito po yung BCT Construction.”

“Ang trabaho talaga ng engineer kapag may widening, dapat nag-sloping nong bundok para hindi bumagsak sa kalsada for the safety [ng mga dumadaan]. Nakita po natin na lumalapad na ang kinukunan ng lupa parang may katulad ito ng dati na nangyari sa Brgy. Napsan. Doon natin nakita na may nag-e-extract doon ng aggregates,” dagdag pa niya

Binanggit din niyang sumulat sila sa BCT Construction upang malaman ang ligalidad ng kanilang ginagawa ngunit wala pa umanong kasagutan mula sa nasabing construction company.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter