REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
RELOKASYON NG 2 PAARALANG PANG-ELEMENTARYA SA LUNGSOD, ISINUSULONG



Muling binuksan ni Punong Lungsod Lucilo Bayron noong unang araw ng Pebrero ang planong pag-relocate sa dalawang pampublikong paaralang pang-elementarya ng lungsod ng Puerto Princesa sa naganap na Tourism Stakeholders’ Forum noong ika-1 ng Pebrero.

Ayon kay Bayron, ang mga paaralang iyon ay ang San Pedro Central School at Mateo Jagmis Elementary School na kaya umano planong ilipat upang mabigyang-daan ang pagtatayo ng pinakamalaking elementary school sa siyudad.

Sa likod umano ng kasalukuyang gusali ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Brgy. Liwanag planong itayo ang bagong paaralan.

“Doon sa likod ng dating police station natin, magtatayo tayo ng pinakamalaking elementary school sa Puerto Princesa at i-encourage natin ang mga estudyante ng San Miguel at San Pedro to relocate sa school na ‘yan,” pahayag ng Alkalde.

Binanggit din ng Punong Lungsod ang hindi magandang maidudulot sa kalusugan ng mga estudyante, partikular sa Mateo Jagmis Elementary School na malapit sa Puerto Princesa City International Airport ang inilalabas na usok at amoy ng gasolina ng mga eroplano.

Giit niya, lalo na umano ngayon na nasa mahigit 33 flights na kada araw ang pag-alis at balik ng mga eroplano.

“Magbibigay kami ng allowances at incentives para mabawasan ang mga estudyante sa dalawang school kasi kapag lumilipad ang eroplano, naaamoy ng mga estudyante doon ang fuels ng eroplano eh kung maaksidente ang eroplano at mabagsakan ang school [mas] malaking problema,” pagbibigay-diin pa ni Bayron na ang tinutukoy ay ang eskwelahan sa Brgy. San Miguel.

Hindi lang aniya sa mabilis na pagtaas ng populasyon at imigrasyon sa siyudad ang nagdudulot ng buhul-buhol na trapiko kundi maging ang lokasyon ng mga nabanggit na pangunahing paaralan sa Puerto Princesa.

“We experience rapid population growth at immigration [kaya] naharap tayo sa mga challenges like increasing volumes of traffic; ganundin ang San Pedro Elementary School, paglabasan ng mga estudyante, problema tayo kasi nga ma-traffic. Ngayon, kung mababawasan ang mga estudyante, konti na lang ang mga nag-aaral sa mga schools na ‘yan babawas din ang traffic,” ani Bayron.

Isa umano sa nakikitang solusyon ng Pamahalaang Panlungsod ay ang relokasyon ng naturang mga paaralan upang mabawasan ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.

Matatandaang ilang taon na ring pinag-usapan ang paglilipat ng nasabing mga eskwelahan ngunit mariing tinutulan ng pamunuan ng San Pedro Central School, ng kanilang PTA at karamihan sa mga magulang.

SI Punong Lungsod Lucilo Bayron nang inanunsiyo ang relokasyon ng dalawang eskwelahang pang-elementarya. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

Related Articles
ENGINE 2 NG OLD DELTA P, NASUNOG
RELOKASYON NG 2 PAARALANG PANG-ELEMENTARYA SA LUNGSOD, ISINUSULONG
ROYAL AIR LOCAL FLIGHT PATUNGONG PUERTO PRINCESA, MAGSISIMULA NA SA MARSO
PUERTO PRINCESA CITY WATER DISTRICT, PINAGHAHANDAAN NA ANG EL NIÑO
PAGPAPASKIL NG HOTLINE NUMBERS SA TRAYSIKEL, ISINUSULONG
MAOYON FIREFLY WATCHING, BINUKSAN NA SA PUBLIKO
CITY TOURISM OFFICE, PINAGHAHANDAAN NA ANG CHINESE NEW YEAR
RESOLUSYON SA PAGDARAGDAG NG FIRE HYDRANTS SA LUNGSOD, LUSOT NA SA 2ND READING
ASO, HINALAY NG ILANG KALALAKIHAN
14 CRUISE SHIPS, INAASAHANG DARATING SA LUNGSOD NGAYONG 2019
BAGONG PAMILIHANG BAYAN NG LUNGSOD, SISIMULAN NA
3 KASO NG NABIKTIMA NG PAPUTOK, NAITALA SA PUERTO PRINCESA CITY
HONDA BAY, LIGTAS NA SA REDTIDE
RAINE BAYRON, NAG-WITHDRAW NG KANYANG KANDIDATURA PARA SA ELEKSIYON 2019
BALAYONG WATER PARK, INAASAHANG MAIBI-BID BAGO MAGTAPOS ANG TAON
ILANG FIRECRACKER VENDOR, IPINAGPAPASALAMAT ANG PAGKAKATAONG NAKAPAGTITINDA PA RIN
P3.3-B NA PONDO NG CITY GOVERNMENT PARA SA 2019, APRUBADO NA SA FINAL READING
URI NG TRAYSIKEL NA BAJAJ RE, IPINAKILALA SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD
72 CHINESE TRAVEL AGENCIES OPERATOR, BUMISITA SA LUNGSOD
CITY HEALTH OFFICE, MAY PAALALA NGAYONG KAPASKUHAN
MGA NAGWAGI SA KAUNA-UNAHANG SUBARAW BIODIVERSITY FESTIVAL KILALANIN
KAHALAGAHAN NG TAMANG PAGKONSUMO NG BIGAS, BINIGYANG-PANSIN
OPERASYON NG ISANG PERYAHAN SA CITY BAYWALK, ILIGAL UMANO
CHIEFTAIN NG TRIBUNG TAGBANUA, TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN
PUNONG LUNGSOD LUCILO BAYRON, TULOY NA SA PAGKANDIDATO SA 2019 ELECTIONS
PUERTO BAY, MULING NAGPOSITIBO SA RED TIDE
SUBARAW BIODIVERSITY FESTIVAL, PINAGHAHANDAAN NA
PAGTATATAG NG MGA RECOVERY CLINIC SA MGA REHIYON, ITINATAGUYOD NG DOH
Anti-Hospital Deposit Law Nais Paigtingin sa Lungsod
LINGGO NG KABATAAN, IPINAGDIWANG
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter