REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
ROYAL AIR LOCAL FLIGHT PATUNGONG PUERTO PRINCESA, MAGSISIMULA NA SA MARSO



MAGSISIMULA na sa ika-4 ng Marso ang pagkakaroon ng Royal Air local flight sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ang inanunsiyo ni Punong Lungsod Lucilo Bayron sa flag ceremony ng City Government noong Lunes, ika-28 ng Enero.

“Last week [January 25], dumating ang representative ng Royal Air [sa lungsod]. Tuloy na ang flights sa atin mula Clark [Air Base] to Puerto Princesa City.”

Apat na beses kada linggo umano ang pagdating nito sa siyudad.

“Four times a week—Mondays, Wednesdays, Fridays [at] Saturdays [ang flights nito sa Puerto Princesa na magsisimula sa] March 4, sa Foundation Day natin,” dagdag pa ng Alkalde.

Sa hiwalay naman na panayam ng Repetek kay Senior Tourism Operations Officer at OIC Promotions and Marketing Division Mitchi Hitosis, sinabi niyang ang orihinal na inaugural flight ng Royal Air sa siyudad ay sa ika-1 ng Marso, bandang 1:45 ng hapon.

“Base sa aming pag-uusap, ang arrival nito ay March 1 pero tinitingnan kasi ngayon kung pupwede isabay sa Balayong Festival sa March 4 pero tsini-check kung kaya talaga na ilipat sa March 4. Ngunit kung hindi naman, babalik tayo sa March 1…iyon naman ang ini-sched nila sa atin,” paliwanag ni Hitosis.

“Parang star jet [ito]. Pinaganda na airlines nila, mas malaki iyong space sa paanan, mas maluwang…‘yun ang kanilang ipinagmamalaki,” pahayag pa niya.

Dagdag pa niya, ito na ang pangatlo sa mga airlines na may ruta na manggagaling sa Clark Air Base patungo sa siyudad ng Puerto Princesa, bukod pa sa Cebu Pacific at Philippine Airlines.

Samantala, sa kasalukuyan ang Royal Air ay nag-o-offer ng kanilang sale seats sa mga nagnanais sumakay sa kanilang eroplano.

ANG naganap na pagpupulong sa pagitan nina Punong Lungsod Lucilo Bayron, ng ilang representante ng Royal Air, at mga kawani ng City Tourism Office noong nakaraang buwan. (KUHA SA FACEBOOK ACCOUNT NI BB. MITCHIE HITOSIS)

Related Articles
ENGINE 2 NG OLD DELTA P, NASUNOG
RELOKASYON NG 2 PAARALANG PANG-ELEMENTARYA SA LUNGSOD, ISINUSULONG
ROYAL AIR LOCAL FLIGHT PATUNGONG PUERTO PRINCESA, MAGSISIMULA NA SA MARSO
PUERTO PRINCESA CITY WATER DISTRICT, PINAGHAHANDAAN NA ANG EL NIÑO
PAGPAPASKIL NG HOTLINE NUMBERS SA TRAYSIKEL, ISINUSULONG
MAOYON FIREFLY WATCHING, BINUKSAN NA SA PUBLIKO
CITY TOURISM OFFICE, PINAGHAHANDAAN NA ANG CHINESE NEW YEAR
RESOLUSYON SA PAGDARAGDAG NG FIRE HYDRANTS SA LUNGSOD, LUSOT NA SA 2ND READING
ASO, HINALAY NG ILANG KALALAKIHAN
14 CRUISE SHIPS, INAASAHANG DARATING SA LUNGSOD NGAYONG 2019
BAGONG PAMILIHANG BAYAN NG LUNGSOD, SISIMULAN NA
3 KASO NG NABIKTIMA NG PAPUTOK, NAITALA SA PUERTO PRINCESA CITY
HONDA BAY, LIGTAS NA SA REDTIDE
RAINE BAYRON, NAG-WITHDRAW NG KANYANG KANDIDATURA PARA SA ELEKSIYON 2019
BALAYONG WATER PARK, INAASAHANG MAIBI-BID BAGO MAGTAPOS ANG TAON
ILANG FIRECRACKER VENDOR, IPINAGPAPASALAMAT ANG PAGKAKATAONG NAKAPAGTITINDA PA RIN
P3.3-B NA PONDO NG CITY GOVERNMENT PARA SA 2019, APRUBADO NA SA FINAL READING
URI NG TRAYSIKEL NA BAJAJ RE, IPINAKILALA SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD
72 CHINESE TRAVEL AGENCIES OPERATOR, BUMISITA SA LUNGSOD
CITY HEALTH OFFICE, MAY PAALALA NGAYONG KAPASKUHAN
MGA NAGWAGI SA KAUNA-UNAHANG SUBARAW BIODIVERSITY FESTIVAL KILALANIN
KAHALAGAHAN NG TAMANG PAGKONSUMO NG BIGAS, BINIGYANG-PANSIN
OPERASYON NG ISANG PERYAHAN SA CITY BAYWALK, ILIGAL UMANO
CHIEFTAIN NG TRIBUNG TAGBANUA, TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN
PUNONG LUNGSOD LUCILO BAYRON, TULOY NA SA PAGKANDIDATO SA 2019 ELECTIONS
PUERTO BAY, MULING NAGPOSITIBO SA RED TIDE
SUBARAW BIODIVERSITY FESTIVAL, PINAGHAHANDAAN NA
PAGTATATAG NG MGA RECOVERY CLINIC SA MGA REHIYON, ITINATAGUYOD NG DOH
Anti-Hospital Deposit Law Nais Paigtingin sa Lungsod
LINGGO NG KABATAAN, IPINAGDIWANG
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter