REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
SPIDERMAN, PANGANGALAGAAN ANG KARAGATAN NG PALAWAN



Ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ng mga Alkalde mula sa limang munisipyo ng Palawan na kinabibilangan nina (L-R) Mayor Gerandy Danao ng Narra, Mayor Marsito Acoy ng Sofronio Espanola, Mayor Mary Jean Feliciano ng Brooke’s Point at Bataraza Mayor Abraham Ibba. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

ISANG Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng limang alkalde mula sa limang munisipyo sa Palawan, kasabay nito ang pagtataguyod ng isang task force na kikilalaning ‘SPIDERMAN’ na may layuning pangalagaan at wakasan ang mga iligal na aktibidad sa karagatang nasasakupan ng lalawigan.

Ang ‘SPIDERMAN’ ay may katumbas na kahulugang Southern Palawan Initiative Dedication Environment Protection and Management na mangunguna sa pagpapatupad ng mga polisya na magbibigay proteksiyon sa mga marine biodiversity areas sa Palawan.

Noong lunes, ika- 19 ng Agosto sa unang araw ng Palawan Marine Protected Area (MPA) Summit 2019 nilagdaan nina Mayor Celsa Adier ng Aborlan, Mayor Gerandy Danao ng Narra, Mayor Marcito Acoy ng Sofronio Espanola, Mayor Mary Jean Feliciano ng Brooke’s Point at Bataraza Mayor Abraham Ibba ang nasabing kasunduan.

Ayon kay Dr. Romeo Cabungcal ng Office of the Provincial Agriculture, ang bayan ng Aborlan, Narra, Sofronio Espanola, Brooke’s Point at Bataraza ay ang mga munisipyo na kabilang sa Strengthening Marine Protected Areas to Conserve Marine Key Biodiversity Areas in the Philippines (SMARTseas) na isa sa program ng United Nations (UN) na tumutugon sa tatlong outcome na kinabibilangan ng pagpapalakas ng Marine Protected Areas (MPA) at Marine Protected Network, financial sustainability at policy framework.

Aniya, layunin din nito ang pagkakaisa ng limang munisipyo sa tamang pangangalaga, paggamit at konserbasyon ng likas yaman.

“Sa tatlong outcome na isinagawa sa Southern Palawam, nagkaroon ng pagpupulong kung saan nagkaroon sila ng ugnayan at commitment na ito ay magkaroon ng ‘ SPIDERMAN’ upang magkaroon ng pagkakaisa sa isang unification ng law enforcement act sa mga nabanggit na munisipyo. They agreed to a certain area na parang magkaroon sila ng unified implementation of policies with their respective areas municipal waters”, paliwanag ni Cabungcal.

Katuwang ng Provincial Government at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa pagpapatupad ng naturang implementasyon ang mga national agencies gaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Environment and National Resources (DENR), National Commission on Indigenous People (NCIP), Philippine National Police (PNP), Maritime, Coastguard, Civil Society Organization (CSO) upang lalong paigtingin at palakasin ang mga proyekto at programa sa MPA Law Enforcement Network.

Sa inilabas na pahayag ng PCSD sa pamamagitan umano ng MOA ang limang munisipyo ay maaaring humingi ng tulong at suporta sa bawat isa kahit ito’y nasa labas na ng kanilang hurisdiksiyon upang pag-isahin ang kanilang puwersa sa pagbabantay sa kanilang coastal areas partikular sa mga deklaradong marine protected areas sa kani-kanilang munisipyo.

Inaasahang makatutulong ang pagtatatag ng ‘SPIDERMAN’ upang mahuli ang mga iligalista na madalas nakatatakas dahil nagtutungo ang mga ito sa hurisdiksiyon ng kabilang munisipyo.

Related Articles
SPIDERMAN, PANGANGALAGAAN ANG KARAGATAN NG PALAWAN
EARTHBALLING MACHINE, DUMATING NA SA PUERTO PRINCESA
ELAC NAGBANTANG KAKASUHAN ANG PCSD, DENR
ECO- FRIENDLY PACKAGING, SINIMULAN NANG GAMITIN NG NCCC MALL-PALAWAN
10 HOTEL SA EL NIDO, BINABAAN NG CEASE AND DESIST ORDER NG DENR
CATHOLIC CHURCH, NAGTAMIN NG NASA 600 PUNO SA MT. MANTALINGAHAN
ISANG ESTABLISYIMENTO SA EL NIDO, POSIBLENG IPASARA NG DENR DAHIL SA PAGLABAG
PANAWAGAN NI KGD. SOCRATES: GAWIN ANG 3R’s
11 MGA PANGUNAHING ILOG SA REHIYON NG MIMAROPA, SABAYANG NILINIS
220 PUNONG BAKAWAN, PINAGPUPUTOL UMANO SA BAYAN NG NARRA
DENR-PENRO, NAGBIGAY ULAT SA PROV’L BOARD UKOL SA CLEAN-UP DRIVE SA PALAWAN
BACUIT BAY NG EL NIDO, TARGET MAGING WATER QUALITY MANAGEMENT AREA
PALAWENYO, TIMBOG DAHIL SA ILIGAL NA PANGINGISDA
DENR-MIMAROPA SUPORTADO ANG NAGING PAHAYAG NI PD30 UKOL SA EL NIDO, CORON
DRAYBER NG TRAK NA NAGLALAMAN NG MGA PATAY NA BUHAY ILANG, NADAKIP SA BRGY. STA. LOURDES
PAMAMAHAGI NG MGA KAGAMITING PANG-ELEKTRISIDAD NG PSFI, KINILALA
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE TOXINS
FORCED DEMOLITION SA EL NIDO, SINIMULAN NA
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter