REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
SYNCHRONIZED ANTI-CRIMINALITY LAW ENFORCEMENT OPERATION NG PPCPO, PATULOY NA IPINATUTUPAD



PATULOY pa ring ipinatutupad ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang isinasagwang Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operation (Sacleo) sa lungsod.

Sa naunang operasyon ng pulisya, mas pinaiigting umano nila ang mga ordinansa kontra krimen at iligalidad sa apat na barangay sa lungsod.
Sa panayam ng Repetek kay PSI. Pearl Manyll Marzo, spokesperson ng PPCPO, naging matagumpay ang isinagawang SACLEO sa nabanggit na mga lugar na kung saan nasa 60 indibidwal, kabilang ang sampung menor de edad ang naimbatahan at naidala ng ahensya.

“Sa inisyal na apat na barangay natin, more or less mga 60 person ang naimbita at nadala natin dito sa may Mendoza Police Station, partikular dito sa may Mendoza Park dahil maliit lang ang ating Police Station. And, sampu doon ay mga minor, sila ay [nasa] violation ng curfew naman natin dito,” ayon sa tagapagsalita ng City PNP.

Halos nasa 100 personnel umano ng PPCPO ang ipinadala sa nabanggit na operasyon upang ipatupad at bigyang aksyon ang mga ordinansa at regulasyon ng lungsod at pamunuan ng PPCPO.

“Ipinaigting natin dito ay ‘yong mga City Ordinances, ‘yong curfew [hours], ‘yong inom sa tabi ng mga kalsada at ‘yong half-naked [din]….Isinama na rin natin, ‘yong may Warrant of Arrest (WOA),” ani Marzo.

Ang pagpapaigting umano ng PNP sa mga ordinansa at regulasyon na nagpapatuloy sa ngayon ay para sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter