REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
TAGAPAGSALITA NG COASTGUARD DISTRICT PALAWAN, INARESTO DAHIL UMANO SA PANGINGIKIL



SA pamamagitan ng ikinasang entrapment operation ay inaresto ng NBI Palawan noong ika-19 ng Pebrero ang Operations Officer at spokesperson ng Coastguard District Palawan na si Ensign Alison Tindog dahil umano sa pangingikil.

Ayon sa Special Investigator III ng NBI Palawan na si Cedric Caabay, nagsumbong sa kanilang tanggapan ang dayuhang si Dirk Haering at ang asawa niyang Pilipina upang iparating ang pangingikil umano ni Tindog sa kanila nang magkaroon sila ng paglabag sa pag-log-in at log-out ng kanilang yate.

Sa salaysay umano ng mga biktima, humingi sa kanila ng pera ang suspek upang ayusin ang naturang problema na nangyari umano ng dalawang beses. Ang unang paghingi umano ng pera ng suspek sa kanila ay noong Enero 11 ngayong taon.

Inamin naman umano ng mag-asawa na mayroon silang pagkakamali kaya rin sila humingi ng tulong kay Tindog para maayos iyon ngunit ang nangyari ay kinikilan naman umano sila.

One hundred eighty thousand pesos (P180,000) umano ang unang hiningi ni Tindog ngunit naibaba ito sa halagang P80,000 ngunit sa halip na bigyan umano sila ng resibo ng kabuuang perang natanggap, tanging P10,000 lamang umano ang ginawan.

Huli umanong humingi ng salapi ang suspek noong ika-17 ng Pebrero ng halagang P110,000 ngunit hindi umano pumayag si Haering dahil kung tutuusin mailit lamang ang kanilang violations kaya naibaba ito sa P70,000 na naibaba pa sa P50,000.

Usapan nilang ibigay ang salapi noong hapon ng Martes sa tanggapan mismo ni Tindog, ngunit di alam ng kausap ng mag-asawa na nagtungo muna sila sa NBI-Palawan para isumbong ang ginagawang pangongotong sa kanila.

Doon ay agad umanong nagplano ng entrapment operation ang NBI na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek.

Ayon kay Caabay, mahinahon naman umano at sumusunod sa proseso si Tindog nang kanila siyang hulihin.

Kinabukasan matapos siyang madakip o noong ika-20 ng Pebrero ay sumailalim sa inquest proceedings ang suspek na ngayon ay nahaharap na sa kasong extortion, paglabag sa Republic Act 3019 o ang “Anti-graft and Corrupt Practices Act, at sa Republic Act 6713 Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees.

Kaugnay nito, kasabay ng pagkakahuli kay Tindog ay ipinag-utos din ng Commander ng PCG-Palawan ang pagpapa-relieve sa kanya sa kanyang pwesto. Kasama rin dito ang pag-atas ng malalalimang imbestigasyon ukol sa isyu upang matukoy din kung may pananagutan ding administratibo ang suspek.

Ngunit para sa pamunuan, isang “isolated case” lamang ang naganap. Tiniyak ni Toribio na hindi ito makahahadlang sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin na bantayan ang karagatan ng buong probinsiya ng Palawan.

Ipinaliwanag din ng pinuno ng Coastguard District Palawan ang kahalagahan ng pagla-log-in at pagla-log out ng lahat ng mga dumaraong na barko at iba pang sasakyang pandagat para sa seguridad at kaligtasan ng lahat.

ANG isinagawang entrapment operation laban kay Ensign Allison Tindog (nakaupo) noong ika- 19 ng Pebrero. (CONTRIBUTED PHOTOS//NBI-PUERDO)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter