REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM



MAKIKITA sa larawan sina (L-R) 1Lt. Reden Jane Hucalla Jr., acting PIO TOW-WEST; Lt. Ronnie Riel Grimpola, chief PIO, NFW/JTFW; LTC. Stephen Penetrante, spokesperson, Wescom; at 1Lt. Orchelyn Bobis, acting PIO, Third Marine Brigade sa naganap na press conference kamakailan lamang. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

POSITIBO ang Western Command (Wescom) na kapag tuluyan nang mawala ang mga makakaliwang-grupo ay mas mapabibilis na ang kaunlaran ng lalawigan ng Palawan sapagkat wala ng hahadlang pa.

Ito umano ay sa kadahilanang wala nang hihingi ng revolutionary tax sa mga mamamayan, wala ng extortion, at wala ng takot na mararadaman ang mga Palawenyo. Ayon sa ilang pulitiko, hinihingian sila ng revolutionary tax ng mga makakaliwang-grupo para mapayagang makapagsagawa ng aktibidad tuwing eleksyon sa isang partikular na lugar.

“Sila lamang po ang napakalaking hadlang sa pag-unlad natin. Kaya po, sa Western Command, continue ang panawagan namin na bumalik na sila; di sila pababayaan ng ating Armed Forces [of the Philippines],” ani LtCol. Stephen Penetrante, spokesperson ng Wescom sa isinagawang lingguhang press conference noong ika-8 ng Hunyo.

Umaasa silang sa pamamagitan ng hakbang ng gobyerno na Whole Nation Approach ay matutuldukan na ang insurgency problem, kung saan, sa pamamagitan nito ay kumikilos ang lahat ng sektor tungo sa minimithing layunin.

Tiniyak ni Penetrante, ang siyang nakadestinong chaplain ng Wescom, na tinutulungan nila ang mga sumusukong miyembro ng CPP-NPA na makapagbagong-buhay sa pamamagitan ng ipinatutupad na ngayong E-CLIP ng national at local government.

‘EXISTENTIAL SUCCESS’
May regular monitoring din umano silang ginagawa, at sustenance sa mga livelihood na binibigay sa mga surrenderees.

Sinisiguro rin umano ng mga operating units ng AFP ang kaligtasan ng mga nagbalik-loob.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang AFP at Wescom sa TESDA sa pagbibigay ng makabuluhang training tungo sa mas maayos na pagbabalik nila sa normal na buhay.

Mariin ding pinabulanaan ng tagapagsalita ng Wescom ang mga komento ng mga makakaliwang-grupo na ilusyon lamang ang ginagawa nilang pagpapabago sa mga dating mga miyembro at iginiit na ito ay “existential success.”

Sa halip, iginiit niyang nakita nila ang epektibong resulta ng Whole Nation Approach na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Kaya patuloy ang panawagan ng mga kinauukulan sa mga miyembro ng CPP-NPA na sumuko na upang maranasan umano ang tulong ng pamahalaan.

PAGDEDEKLARA NG PERSONA NON-GRATA SA MGA NPA
Ipinabatid din ni LtCol. Penetrante na sa kasalukuyan ay anim na munisipyo na ang madeklarang persona-non- grata sa mga makakaliwang-grupo.

Karamihan umano sa kanila ay nakatanggap ng death threat mula rin sa CPP-NPA, ngunit tiniyak naman ng unified command ng AFP sa Palawan na hindi sila pababayaan ng mga otoridad.

Nauna na umanong nagbigay-katiyakan ang commander ng Joint Task Force Peacock (JTFP) na nasa ilalim ng 3rd Marine Brigade na nakahanda silang magbigay ng seguridad sa mga mamamayan na nanguna sa pagbubuo ng nasabing hakbang.

Ang naturang deklarasyon mula sa mga lokal na mambabatas, ani Penetrante ay nagpapakita lamang ng kagustuhan ng mga mamamayan sapagkat ang mga councilor ay kinatawan ng mga mamamayan.

Ipinakikita umano nito na ayaw na ng mga Palawenyo ng pananakop at atrocities ng terrorist group na CPP-NPA.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter