REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA



SINASAGOT ni Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) head Noel Orosco ang mga katanungan ng local media. Kasama rin niyang dumalo sa “Kapihan sa PIA” sina DOH-Palawan head, Dr. Peter Curameng; DOH-Mimaropa Dengue Coordinator Al Patrick Aquino, DOH-Mimaropa Health Education at Promotion Officer Romalyn Racho, at Blood Program Point Person in Palawan Anthony Peñaflor.

IPINAKITA ng Department of Health (DOH)-Center for Health (CHD) Mimaropa ang pinakabagong datus ng kanilang tanggapan ukol sa limang lugar sa Palawan na nangunguna sa may mataas na kaso ng sakit na dengue.

Sa Kapihan sa Philippine Information Office (PIA) noong ika-11 ng Hulyo, ipinabatid sa media ni Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) head Noel Orosco ang kasalukuyang datus.

Ayon kay Orosco, mula sa pangunguna ng lungsod ng Puerto Princesa sa kaso ng dengue, lumalabas na ang Bayan ng Sofronio Espanola ang bagong nangunguna base sa datus sa huling apat na linggo. Mayroon umanong 48 na kaso sa nasabing munisipyo na kung saan, ang 38 ay naitala lamang sa Brgy. Pulot Center habang pito naman sa Brgy. Abo-abo at tatlo Sa Brgy. Pulot Interior.

Sunod naman sa talaan ang Puerto Princesa na mayroong 41 kaso. Ang pinakamarami ay sa Brgy. Buenavista na mayroong 21 habang 11 Sa Cabayugan, at parehong tag-tatlong kaso sa mga barangay ng Sta. Monica, Tagabinet at Tiniguiban. Una namang nagdeklara ng outbreak ang Buenavista at Cabayugan noong ika-6 ng Hulyo dahil sa ngayong 2019 lamang nagtala ng ganoong sakit.

Ikatlo ay ang Bayan ng El Nido kung saan mayroong walong naitala sa Brgy. Manlag; sunod ay sa Munisipyo ng Narra (lima Sa Brgy. Panacan at tatlo Sa Brgy. Ipilan) at Taytay (lima sa Brgy. Poblacion).

Dagdag pa niya, sa kabuuang 1,343 kaso ng dengue sa lungsod at lalawigan mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Hulyo, kung ikukumpara umano sa 621 na average na bilang noong 2014 hanggang 2018 sa kaparehas na panahon ay umaabot sa 116 porsiyento ang nasabing pagtaas. May naitala ring dalawang kaso na sumakabilang-buhay.

‘MAG-4’S TAYO!’
Kaya mahigpit na ipinaalaala ni DOH-Mimaropa Dengue Coordinator Al Patrick Aquino sa mga mamamayan sa importansiya ng pagsunod nila sa 4’s, ang ipinatutupad na anti-dengue campaign ng ahensiya na nangangahulugan ng “Search and destroy ng mga pinamumugaran ng kiti-kiti, self-protection measures, Seek early consultation at Say No to Indiscriminate Fogging.”

“Mahalaga po ang community effort para sa dengue prevention. Gawin natin ang ating battle cry na 4’s— maglinis tayo ng paligid dahil ‘yan, malaki ang maitutulong para maiwasan natin ang paglaganap ng sakit,” ayon pa kay Aquino.

Paalaala rin ng DOH-CHD Mimaropa officials sa mga magulang, dalhin na agad sa rural health unit (RHU) o pinakamalapit na ospital ang kanilang anak sa unang araw pa lamang ng kanilang lagnat upang kung sakit ito ng dengue ay agarang maagapan at hindi na lumala pa o humantong sa kamatayan.

PAGPAPATUPAD SA ANTI-BUHO ORDINANCE
Hinikayat din ni Romalyn Racho, health education at promotion officer ng DOH-Mimaropa, ang mga lokal na pamahalaan at barangay na paigtingin pa ang pagpapatupad ng mga ordinansa ukol sa regulasyon sa paggamit ng buho na karaniwang ginagawang bakod sa lungsod at lalawigan na nakikita nilang isa sa mga dahilan kung bakit nananatili pa ring mataas ang kaso ng dengue sa Palawan.

Nakikita rin umanong trend ngayon ng Kagawaran na mataas ang kaso ng dengue sa mga highly urbanized city gaya ng Puerto Princesa, NCR, at sa Calabarzon dahil may mas maraming pagkakataong may maimbak na malinis na tubig na paborito namang pangitlugan ng dengue carrying mosquito na Aedes aegypti.

Kaugnay naman nito ay magsasagawa ng misting at fogging ang DOH-CHD sa mga eskuwelahan sa Palawan sa darating na Agosto bilang bahagi ng kanilang vector control Program.

Sa kabilang dako, iniimbitahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Provincial Health Officer o ang kinatawan nito sa susunod na committee meeting ng Committee on Health upang magbigay ng ulat at assessment sa kanila ukol sa sitwasyon ng dengue cases sa probinsiya. Idinagdag ding mungkahi ni Board Member Cesareo Benedito Jr. na hindi lang ukol sa dengue ang iuulat sa kanila kundi pati ang water-borne diseases.

(GOGGLE IMAGE)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter