REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL



DEAD on the spot ang isang kumakandidatong pagka-konsehal sa bayan ng Aborlan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang mga suspek.

Kinilala ang biktima na si Ruben “Bobot” Bediores Goh, 51 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Aborlan, Palawan.

Sa ulat ng Palawan Police Provincial Office, naganap ang shooting incident sa KM 72 National Highway corner Sitio Marimras Road, Brgy. Magsaysay, Aborlan bandang ika-5:09 ng hapon noong Enero 21.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas umanong papauwi na ang biktima sa kanilang tahanan mula sa kanyang pinuntahan sa Sitio Marimras Brgy. Magsaysay, Aborlan nang habang sakay ng kanyang motorsiklo, sa pinangyarihan ng insidente, ay bigla siyang pinaulanan ng bala ng mga suspek na nakaabang lamang umano sa gilid ng kalsada.

Nagtano umano ang biktima ng maraming sugat sanhi ng tama ng mga baril na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan. Agad din umanong tumakas ang mga suspek matapos ang insidente gamit ang isang getaway vehicle na itim na motorsiklo.

Habang sinusulat naman ang balitang ito ay nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng mga tauhan ng Aborlan Municipal Station para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkaaresto sa mga suspek.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter