REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
‘WALA NA TALAGANG EPEKTO ANG PHILHEALTH’



SENTRO ng talumpati ni Board Member Eduardo Modesto Rodriguez sa nakaraang sesyon ng Junta Probinsyal ang tila di na umano epektibo ang Philhealth program, pagdating sa pagkaltas ng bayarin sa ilang mga naoospital.

Ayon sa bokal, batid naman din umano niya ang hangarin ng Expanded Philhealth program na makapagbigay ng Philhealth quality care sa mga nangangailangan ngunit na pansin umano niya, na maaaring pansin din ng mga kasamahan na, tila hindi ito nakababawas sa bayarin.

“Parang wala na talagang epekto ang Philhealth dahil halos karamihan, kapag napabawas na ang Philhealth, parang hindi pa rin nababawasan ang kanilang pasanin at kabigatan sa lahat ng mga bayarin sa ating mga ospital,” ayon sa bokal sa kanyang privilege speech.

Inihalimbawa ni Rodriguez ang karanasan umano ng isang indigenous people na minsang lumapit sa kanya at nagsabing nabawas man ang Philhealth sa kanilang bayarin ngunit malaki pa rin ito. Mayroon pa umano silang bayarin kaya ang sabi umano niya ay hindi nila maramdaman ang suporta ng gobyerno lalo pang tumaas ang bayarin sa mga ospital na kung dati umano sa P50,000 ay nakararaos pa sila ngunit ngayon ay daan-daang libo na ang sinisingil.

“Kahit katutubo, walang patawad,” komento pa ni Rodriguez.

Nang dahil sa nasabing isyu, hinihiling ng bokal na i-monitor at i-assess ng Philhealth kung nakatutulong nga ba ang programa, bagamat alam naman niyang nakatutulong nga ngunit ang impact na para sa Pilipino o sa mga Palawenyo ay ‘di na umano gaanong nararamdaman sa ngayon.

Kaya iminungkahi niyang imbitahan sa susunod na pagpupulong ang mga kinatawan ng nasabing ahensiya at ang mga pinuno ng mga ospital gaya ng Adventist-Palawan, Ospital Ng Palawan (ONP), at iba pang pribadong ospital para mapag-usapan kung paano ma-address ang lahat ng kakulangan.

Sinisikap naman ng Repetek na makunan ng reaksyon ang pamunuan ng Philhealth sa probinsiya ng Palawan.

ANG tanggapan ng Philhealth-Palawan sa Brgy. San Jose, lungsod ng Puerto Princesa. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
OPEN-SEASON SA PANGINGISDA NG GALUNGGONG SA PALAWAN, NAGSIMULANG MULI
POSIBILIDAD SA PRIVATIZATION NG MGA PROV’L HOSPITAL, IMINUNGKAHI
MGA LGU, PWRCC, HINIKAYAT NA MAGSAGAWA NG PAGSASANAY UKOL SA WILDLIFE HANDLING
PAMAHALAANG BAYAN NG CULION, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG
‘WALA NA TALAGANG EPEKTO ANG PHILHEALTH’
19.2 % SINGLE NA INDIBIDWAL SA KABUUAN SA MIMAROPA, NATUKOY SA PALAWAN
9 LUGAR SA PALAWAN, KASAMA SA POLL WATCHLIST
BATARAZA, IMINUNGKAHING I-ASSESS KUNG PASOK BANG ISAILALIM SA COMELEC CONTROL
NATIONWIDE ECP ADVOCACY SEMINAR NG ECC, BINUKSAN SA PUERTO PRINCESA
PAGPAPAKANSELA SA PRANGKISA NG PALECO, BINAWI NA NG DOE
DEPED-PALAWAN, UMAASANG MABABAWI ANG KAMPEONATO SA MIMAROPA RAA MEET
MAS MAHIGPIT NA POLISIYA, IPINATUTUPAD SA PROV’L JAIL,
DATING LIDER NG NPA, NAIPAGPAPATULOY UMANO ANG ADBOKASIYA KAHIT NAKAPIIT NA
PARA SA KALIGTASAN NG PUBLIKO
3 PANG KAHILINGAN NG PROV’L BOARD SA DPWH, INIHAIN
MORATORIUM, NAKIKITANG SOLUSYON SA PROBLEMA SA CORON
MGA BARANGAY SA PALAWAN, IMINUNGKAHING BIGYAN NG CHAINSAW
8 GUSALI, 2 KABAHAYAN, NASUNOG SA EL NIDO
HAKBANG KONTRA SOBRANG SINGIL-PASAHE, IKINASA
LGU CORON, HUMIHINGI UMANO NG INTERBENSYON SA PROV’L GOV’T
BAGONG CHED MIMAROPA REGIONAL DIRECTOR, ISANG PALAWENYO
ISANG PASSENGER VESSEL, NASADSAD SA CAGAYANCILLO
MAAGANG PAGPAPAREHISTRO, IPINAALA-ALA NG DEPED
10 FIRECRACKER INCIDENT, NAITALA SA PALAWAN
ITINALAGANG ACTING GM NG PALECO, NAKAUPO NA
PRESIDENTIAL VETO POWER
WESCOM, NAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA SOUTHERN PALAWAN
PALECO, TUTOL SA PAG-UPO NG ITINALAGANG ACTING GM NG NEA
PAGTANGGAL SA SABSIDIYA SA PALAWAN, PINAGHAHANDAAN NA UMANO NG PALECO
PANAWAGAN SA PCA: BIGYANG SABSIDIYA ANG MGA MAGSASAKA NG NIYOG
LIKHAIN NA ANG COPRA SEEDLING NURSERY—PROV’L BOARD
PALAWAN AUTONOMOUS REGION, SAGOT SA MALAMPAYA CLAIM-CRV
OPOSISYON, MULING NAGPATUTSADA SA MGA PROPONENTE NG PAGHAHATI NG LALAWIGAN
BISE GOV. DENNIS SOCRATES: DI MAIIWASAN ANG POLITICAL DYNASTY
HONORARIUM PARA SA MGA SK KAGAWAD, ISINUSULONG
MAIN AT EXIT GATE NG MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHANG NASA NAT’L H’WAY, IPINALILIPAT
RESOLUSYONG HUMIHILING NA MALAGYAN NG MGA ILAW ANG MGA BEACH, APRUBADO NA
ZERO-FIRECRACKER INJURY NGAYONG 2019, TARGET NG DOH-CHD MIMAROPA
BADGET NG PALAWAN SA 2019, TUMAAS NG 10%
REGULASYON SA PAGGAMIT NG PAPUTOK SA BUONG PALAWAN, INIHAIN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter