REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’



ANG mga miyembro ng MBLT-3 sa Welcome Ceremony na isinagawa noong ika-30 ng Hunyo. Sila ang hahalili sa MBLT-12 na nadestino sa bahaging norte ng Palawan. (CONTRIBUTED PHOTO//MBLT TRES FACEBOOK ACCOUNT)

TALIWAS sa inilabas na impormasyon ng Western Mindanao Command (Westmincom) na kaya pinadala sa lalawigan ng Palawan ang Marine Battalion Landing Team (MBLT)-3 ay dahil sa presensiya ng mga teroristang grupong CPP-NPA at Abu Sayyaf Group (ASG), mariing inihayag ng commander ng Western Command (Wescom) na si VADM. Rene Medina na walang presensiya ng Abu Sayyaf sa kanilang area of responsibility.

“Sinabi siguro ‘yun nila kasi handa sa battle ang MBLT-3. So, he is capable of the threat kung may Abu Sayyaf o CPP-NPA rito but for the record, wala namang Abu Sayyaf ang Wescom area,” paniniyak niya.

Ito ang naging tugon ni VADM. Medina sa katanungan ng media kung totoong kaya may bagong batalyong ipinadala sa Palawan ay dahil sa banta ng mga terorista sa isinagawang Welcome Ceremony para sa MBLT-3 sa pantalan ng lungsod ng Puerto Princesa noong ika-30 ng Hunyo.

“Siguro, in the past, may natanggap silang balitang may nagpupunta rito gaya ng nangyari dati sa Dos Palmas kidnapping incident, that was in 2001. Pero lately, for the past two years, wala akong nabalitaan kasi noong doon ako sa Zamboanga, never may nag-attempt na from Zamboanga na pupunta ng Palawan. Never silang lumabas, lumayo talaga ng Sulu,” pahayag ng pinuno ng Wescom, ang unified command ng AFP sa Palawan.

Ani Medina, ukol sa banta ng Abu Sayyaf at CPP-NPA, masasabi umano niya, bilang former Naval Forces Commander ng WestMinCom, na naging laman na rin ng kanyang mga naunang mga pananalita, na nakita na niya ng personal kung paano nakipaglaban ang MBLT-3 sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Kaya dahil umano rito ay walang Abu Sayyaf sa dating area ng batalyon tres sa Second District ng Sulu. “Ang Abu Sayyaf lang, for the record, [ay matatagpuan lang] sa First District.”

Marahil umano ang pinakamalapit lamang na napupuntahan ng ASG ay sa isang parte ng Sabah na gaya ng nakaraang linggo ay may na-kidnap silang mga mangingisdang Badjao dahil hindi ganoon kahigpit ang security doon.

“Noong kami sa Zamboanga at that time, wala talaga. They cannot kidnap sa mga locals, foreign sa barko. So, right now, ang ginawa natin sa Western Mindanao, ang effect talagang magandang effect sa Palawan, kasi most of the island, lalo na sa Mapun, Taganak, mayroong mga Marines doon. Hindi naman nila madiretso byahe na from Sulu to south of Palawan, dadaan talaga sila roon. At kung dadaan sila roon, malalaman talaga ‘yun kaya never silang nag-attempt talaga mula noong 2017 hanggang ngayon…for the record,” ani VADM. Medina.

Gaya nang naunang paliwanag ng 3rd Marine Brigade, Ipinaliwanag ng Wescom commander na sasailalim sa regular na retraining ang MBLT-12 kaya dumating sa lalawigan ang MBLT-3. Ang iniwanang area naman ng huli ay pinalitan ng MBLT-7.

“The purpose why the MBLT-3 is to relinquish ‘yung MBLT-12 kasi magti-training [sila]. It’s a regular retraining schedule ng Philippine Marine Corps. So, twice a year, mayroong batalyon na tini-training. Minsan, isang batalyon lang,” aniya.

BILIN SA BAGONG BATALYONG NAITALAGA SA NORTHERN PALAWAN
Ang tagubilin umano ng pamunuan ng Wescom, gaya ng dati ay ipagpatuloy ang Community Support Program (CSP) upang bumaba na sa bundok ang mga miyembro ng makakaliwang-grupo, sa pamamagitan ng ipinatutupad din ngayong E-CLIP program ng Provincial Government.

Dadalhin umano ng MBLT-3 ang mga magaganda nilang napatupad at mga kakayanan sa Zamboanga at Sulu gaya ng Civil Military Operation na matagumpay umanong naisagawa ng grupo sa Second District ng Sulu na nagbunga ng pagsuporta ng maraming stakeholder sa kanilang mga programa.

Kaugnay nito ay umaasa ang Wescom na magiging matagumpay din dito ang bagong grupong inihalili Sa MBLT-12.

PALAWENYONG MIYEMBRO NG BATALYON TRES

(PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Lubos naman umano ang kasiyahan ng Palawenyong si Private First Class (PFC) Anthony Remo na ang ikalawang lugar kung saan siya madedestino sa kinabibilangan niyang batalyon ay ang pinagmulan niyang lalawigan.

Sa panayam ng local media Kay Remo sa naganap na Welcome Ceremony ay ipinaabot niya ang lubos na kasiyahan nang mabatid ang impormasyon na sa kanyang pagkukumpara sa peace and order situation ng Palawan at Sulu ay “malayong-malayo.” Ang kanyang tinutukoy ay ang pagiging mapayapa ng lalawigan.

Ang 23 taong gulang na si Remo na mula sa Iraan, Jose Rizal ay point-man ng First Squadron ng 3rd Marine Company.

Samantala, Maliban sa kanya ay may dalawa pang nanggaling din sa Palawan, ang isa ay mula rin sa Rizal habang ang isa ay sa Brgy. Sta. Monica.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter